Rant

Hindi available ang UNION statement sa mysql 3.23. Para saan ang Union statement?

Sabihin natin na may 4 individual sql statements ka. Kapag gagamit ka ng UNION, pag iisahin sa isang SQL statement yung 4 SQL statements mo. Mas mabilis di ba?

PERO hindi nga available sa MySQL3.23, so ako naman hanap ng alternative/work around. Sabi nga sa a series of unfortunate events, "there is always something".

Yeh meron nga! Ang nabasa ko,  gagawa ka ng isang temporary table. At i execute mo muna isa isa yung 4 sql statements, during retreival per statement i ta transfer/populate mo yung results sa temporary table. After mong ma run yung 4 na sqls mo; pwede ka nang mag select sa temporary table.

Brilliant? Sa case ko hindi. Siguro kung one-shot-process yan, pwede pa. Ayos lang. Pero isipin na lang kung meron akong 100 records. Tapos yung 100 records na yon, kailangan ko ng Union statement kasi nga kailanagn ko ng 4 sqls per row.

100 x 4 = 400 sqls

Plus, yung exchange pa ng data papunta sa client and sa web server tapos sa db server. Tapos mag se select na naman ako sa temporary table na yon - sql statments na naman! OLATS! Luluhod ang db server sa process. Mag d down ang site. At pag nag down ang site. Kailangan kong mag kill ng process.

THIS IS CHAOSSSS!

So anong ginawa ko? Hinati ko ang load between the db server and the web server.

Pagkatapos kong i-call yung 4 sql. Binato ko yung output nila sa array. Tadddaaa! Pwede ko na i-manipulate yung data.

Hindi ko pa tapos yung ginagawa ko. Pero trip ko lang mag rant. Sana hindi na lang pinag isa ng mysql yung manuals para sa 3.23 and 4. Kung na miss mo kasi yung isang sentence don na, "UNION is only available in mysql 4.0 and so on" tapos ang db mo 3.23 pala, parang marami kang masasayang na oras sa pag analyze kung bakit hindi tumatakbo yung UNION sa 3.23.

Bakit ko nasabi yon? Kasi nangyari sa’kin hehe.

Hmm sana ma transfer ko na yung blog ko dito sa friendster sa future blog ko.

Gudlak saken!

4 Responses to “Rant”

  1. chamie Says:

    wala akong maintindihan hehehe :P wala lang nagpapapansin lang nyahahaha

  2. Mark Renn Says:

    hehehe, upgrade tayo! =)

  3. Koree Says:

    woohoo! *rain dance* Ü

  4. Daisy Says:

    nose bleed!

Leave a Reply