Not too distant future.

Ayos! Hindi nawala yung windows partition ko. Iniisip ko na lang ngayon, yung pang ftp tsaka php text editor ko na pang fedora. kailangan ko pa mag basa basa kung anong apps gagamitin ko. Hindi ko pa na e explore yung package manager ng fedora pero sa tingin ko may makikita ako don na kailangan ko.

Nag b burn pala ako ngayon ng Lucifer comics/graphic novel. Balita ko ok daw tong basahin eh. Marami na akong mga nakatambak na libro dito na hindi ko natatapos basahin, yung iba naman naka plastic pa ren. Pero sa tingin ko matatapos ko rin tong mga to. Kahit gaano pa katagal yan, sigurado ko mababasa ko rin tong lahat.

Dati, nagbabalak balak lang akong mag install ng fedora. Ngayong gabi, installed na.

Parang kailang lang…

Leave a Reply