Friendster blog bulok!
Tuesday, January 30th, 2007hehe. May angal sa title? Mag sumbong ka sa pulis! nyahaha!
Eto pala yung URL sa isa ko pang blog.
tekinoypi.com/blog
uhh mukhang tae pa yung layout nyan.
hehe. May angal sa title? Mag sumbong ka sa pulis! nyahaha!
Eto pala yung URL sa isa ko pang blog.
tekinoypi.com/blog
uhh mukhang tae pa yung layout nyan.
Hindi available ang UNION statement sa mysql 3.23. Para saan ang Union statement?
Sabihin natin na may 4 individual sql statements ka. Kapag gagamit ka ng UNION, pag iisahin sa isang SQL statement yung 4 SQL statements mo. Mas mabilis di ba?
PERO hindi nga available sa MySQL3.23, so ako naman hanap ng alternative/work around. Sabi nga sa a series of unfortunate events, "there is always something".
Yeh meron nga! Ang nabasa ko, gagawa ka ng isang temporary table. At i execute mo muna isa isa yung 4 sql statements, during retreival per statement i ta transfer/populate mo yung results sa temporary table. After mong ma run yung 4 na sqls mo; pwede ka nang mag select sa temporary table.
Brilliant? Sa case ko hindi. Siguro kung one-shot-process yan, pwede pa. Ayos lang. Pero isipin na lang kung meron akong 100 records. Tapos yung 100 records na yon, kailangan ko ng Union statement kasi nga kailanagn ko ng 4 sqls per row.
100 x 4 = 400 sqls
Plus, yung exchange pa ng data papunta sa client and sa web server tapos sa db server. Tapos mag se select na naman ako sa temporary table na yon - sql statments na naman! OLATS! Luluhod ang db server sa process. Mag d down ang site. At pag nag down ang site. Kailangan kong mag kill ng process.
THIS IS CHAOSSSS!
So anong ginawa ko? Hinati ko ang load between the db server and the web server.
Pagkatapos kong i-call yung 4 sql. Binato ko yung output nila sa array. Tadddaaa! Pwede ko na i-manipulate yung data.
Hindi ko pa tapos yung ginagawa ko. Pero trip ko lang mag rant. Sana hindi na lang pinag isa ng mysql yung manuals para sa 3.23 and 4. Kung na miss mo kasi yung isang sentence don na, "UNION is only available in mysql 4.0 and so on" tapos ang db mo 3.23 pala, parang marami kang masasayang na oras sa pag analyze kung bakit hindi tumatakbo yung UNION sa 3.23.
Bakit ko nasabi yon? Kasi nangyari sa’kin hehe.
Hmm sana ma transfer ko na yung blog ko dito sa friendster sa future blog ko.
Gudlak saken!
Ayos! Hindi nawala yung windows partition ko. Iniisip ko na lang ngayon, yung pang ftp tsaka php text editor ko na pang fedora. kailangan ko pa mag basa basa kung anong apps gagamitin ko. Hindi ko pa na e explore yung package manager ng fedora pero sa tingin ko may makikita ako don na kailangan ko.
Nag b burn pala ako ngayon ng Lucifer comics/graphic novel. Balita ko ok daw tong basahin eh. Marami na akong mga nakatambak na libro dito na hindi ko natatapos basahin, yung iba naman naka plastic pa ren. Pero sa tingin ko matatapos ko rin tong mga to. Kahit gaano pa katagal yan, sigurado ko mababasa ko rin tong lahat.
Dati, nagbabalak balak lang akong mag install ng fedora. Ngayong gabi, installed na.
Parang kailang lang…
Dalawang araw na akong absent sa work this week. Tsk, malaki laking bawas din sa sweldo yon. Sayang.
Nung Monday, absent ako kasi nawala yung atm ko dapat kong ayusin. Ngayon, absent na naman ako kasi tinamaan na ko ng sipon at sakit ng katawan.
Ilang beses din akong natulog at nagpahinga. Masaya. Mas gusto ko pa naman na natutulog ako ng umaga kaysa sa gabi.
Ano bang ginawa ko ngayong araw na to? Ah ayon nanood ng night@the museum tsaka nag install ng fedora core. hehe sana hindi nawala yung windows partition ko. sana sana sana.
sana maging at ease na rin ako sa pag gamit ng linux. baket? Extra knowledge. Natatanga ako kapag naka harap na ko sa mga consoles. Tsk naiinis pa naman ako kapag hindi ko alam kung ano yung gagawin pero dapat alam ko.
Nag sasawa na din ako. Siguro, ayan dapat mag aral na naman ulit ako.
Windows sa office. Linux sa house.
Sana sana…
ate aileen : tulog ka.
ako : hindi
ate aileen: wow
ate aileen: sumagot
ate aileen: lolz
ate aileen: good morning
ako: hehe
ako: good morning
ako: nag ko code ako
ako: musta?
ate aileen: heto.
ate aileen: may kausap sa YM
ate aileen: pucha namang code yan
ate aileen: the code of KALANTIAW na yan
ako: hehe
Narinig ko tong prayer sa Full Metal Jacket. Galing ng words!
==
This is my rifle.
There are many like it but this one is mine.
My rifle is my best friend.
It is my life.
I must master it as I must master my life.
Without me, my rifle is useless.
Without my rifle I am useless.
I must fire my rifle true.
I must shoot straighter than my enemy, who is trying to kill me.
I must shoot him before he shoots me.
I will.
Before God I swear this creed: my rifle and myself are defenders of my country, we are the masters of my enemy, we are the saviors of my life.
So be it, until there is no enemy, but peace.
Amen.
Trip kong panoorin ngayon yung prison break. Maliban kay Wentworth Miller na pamatay yung mata, eh maganda yung character na pino portray nya, si Michael Scofield.
Ang gusto ko kay Michael, magaling sya mag plano. Tipong kahit may nangyari na hindi part ng plano nya, mag wo work pa rin. Laging may Plan B. At ang pinaka gusto ko sa lahat yung part na ini execute nya yung plan.
Laging may execution, hindi lang plan.
Hello 2007.