Archive for December, 2006

dry cell

Wednesday, December 13th, 2006

(ym conversation)

ako: may exchange gift kami ngayon. ang theme

k0n: o
ako: "something that describes your baby"…hmm tignan natin kung ano makukuha ko hehe
k0n: baterya
ako: -_-
k0n: natawa ako dun a

"and he scores!" syit! Sabi ni k0n para daw akong droid. Ang sabi ko naman, "Hindi totoo
yan. Guni guni mo lang yon. This a recording. Press 7 to stop."

^Ang maniwala sa sinabi ko kulang sa iodized salt.

Crash and Burn

Sunday, December 10th, 2006

Naka isip si k0n na gumawa kami ng isang "techie" prajek, ok yung naisip nya. =) Sana maganda yung kalalabasan.

Ayos din tong project na to, medyo kakaiba sa mga ginawa at ginagawa kong "projects" - bakit? Eh kasi ito, hindi ko ginagawa dahil binabayaran ako. Gagawin ko yung project dahil "cool" yung concept: simula sa purpose ng system hanggang sa collaboration namin ni k0n. At eto pa eh, kung sakaling sumablay yung system walang mawawala. Walang magagalit na boss…walang deadline. ITO ANG HOBBY.

Nag-umpisa kaming pag usapan yung backend nung sabado. Php and Mysql ang gamit, ako sa php and mysql; si k0n, all other backend stuffs (server setup, mysql etc etc) Magkaiba kami ng forte pero kino complement ng geek skills namin yung iba’t ibang areas ng prajek.

Medyo loaded ako ngayon sa work ("kailangan pa bang i-memorize yan?") pero hinahanapan ko ng oras para gawin. Whew!

Ok to nakahanap din ng "hobby" si k0n.

Kung may makakapag basa nito at maiintindihan kung "ano" ang meaning ng title…mabi bibilib ako.

Inaantok na ko.  Goodnight cruel world.

Go Let It Out - Oasis

Sunday, December 3rd, 2006

habang sinusulat ko to nakikinig ako sa oasis - go let it out Ü Parang bangag yung boses ni Liam dito, pero bagay. Maganda rin yung meaning ng song - empowerment.

Kanina sa ym, nakatanggap ako ng pm galing kay tres…

tres: ate koree anu gusto mo gift?
ako: wola
ako: salamat pero wala hehe
tres: hehe

Wala ang sagot ko sa tanong ni tres dahil una sa lahat estudyante lang si tres eh, hindi ko gusto yung idea na magregalo pa sya at sa tingin ko ( no offense meant) hindi sya ang makakapag bigay ng gusto ko.

Ilang taon na rin simula nung tumigil na ko sa pag hingi ng regalo tuwing bday ko at pasko, hehe lalo na ngayon may trabaho na ko. Ang siste, ako na daw dapat ang magbigay. Eh di sige, walang problema. Akshooli, taon taon tuwing bday ko nag reregalo ako sa sarili ko, inumpisahan ko last year.

Ang happy birthday gip ko sa’kin nung isang taon ay *drum roll* domain at 150mb hosting service sa ploghost (yeeeaaahhh!) Up pa rin yung site pero wala pa ring laman matapos ang isang taon hehe. Ngayon…hmm, ano nga ba? Naisip ko yung comicbook na league of extraordinary gentlemen PERO sa hindi inaasang pangyayari ay nag-subscribe na ko sa (paking!) myDSL. Bakit pa ko bibili ng pagkamahal mahal na comicbook eh pwede ko namang idownload yon sa bittorrent, di ba? Ü Sa katunayan na download ko na nga yung Lucifer hehe.

Bumili ako ng kick ass keyboard (dahil kinakantyawan ako ni k0n, para daw akong robot mag type -_- KAMON!), web cam at headphones (NA NAMAN!).

Masaya ako sa mga "progress" na nagaganap sa tech life ko, ang kulang na lang ay trackball. Seryoso napapagod na kong gumamit ng mouse. Mag ta trackball na lang ako.

Bueno, maibalik ang usapan sa "kung ano ang gusto ko?"

-gusto ko ng ORAS para matapos ko yung librong Kafka on the shore ni Haruki Murakami, Lucifer, Harry Potter.
-gusto ko ng tulog
-gusto ko ng one year supply ng isaw, pizza, C2 apple yung 1 liter, siomai , three times a day (naaahhhaakks! hayuf!)
-gusto kong makita si SANDMAN aka Morpheus aka Dream Shaper
-gusto kong mapanood yung Final Fantasy: Last Order
-gusto kong makahanap ng "activity" si k0n para hindi na sya maging idle
-gusto kong makita si Randy David
-gusto kong makakita ng baklang programmer
-gusto kong makita si batman
-gusto kong makapunta ng egypt or czech
-gusto kong humaba na ang buhok ko…(sa ilong hehe jk)
-gusto kong mawala ang kahirapan, diskriminasyon, aids, cancer, world hunger, at syempre pa heartbreak (hehehe)
-gusto kong maging propesora

ITO ANG GUSTO KO. KUNG HINDI MAIBIBIGAY SA LOOB NG BEINTE-KUWATRO ORAS ANG MGA DEMANDS KO, KIKITLAN KO NG BUHAY SI DORA (the explorer) HABANG SUMASAYAW NG BOOM TARAT TARAT SA SALIW NG TUGTUGING HAPPY BIRTHDAY.

JT

Saturday, December 2nd, 2006

Naalala ko yung sinabi ni JT sa’kin noon.

Si JT nga pala yung classmate ko nung college na happy go lucky, at, JT, kung sakaling mababasa mo to,

"Kamusta?" Ü

Sabi ni JT, "alam mo you cannot please everybody"

Hmm nagulat ako dahil binibigyan nya ko ng advice (yeh adbays yon - walang paki alamanan), at isa pang nakakagulat doon, eh nakinig ako sa kanya. (hehe no offense meant.)

Pag nag salita si JT dapat makinig kayo. Seryoso.