Archive for November, 2006

Anak ng teteng na testimonial yan!

Saturday, November 25th, 2006

Nag log in ako dito sa friendster (halata naman di ba?) at pagkakita ko sa mga first boxes, emphasized ang mga text na new message at new testimonial. Ako naman una kong binuksan yung message. Nag send ng message si tres para sa username and password ng photobucket nya, para makita ko yung mga pics namin nila ate Leah (HAPPY BIRDY!) last night. Hindi ko binura yung message. First message ni tres yon, inisip ko don muna.

Next, in-open ko yung testimonial pag kakita ko ang testimonial eh nasa form ng graphical words; at ang nakalagay ay

HAPPY BIRTHDAY!

Hindi ko sasabihin kung kanino galing. Alam mo kung sino ka.

Hindi ko alam kung sinadya yon ng nag send or automated yung message. Salamat sa greeting. At eto ang ilan sa mga naisip ko pagkatapos kong makita yung testi…

1. Hindi testimonial yon - GREETING.
2. Hindi ako hayok sa testimonial.
3. Kung saka sakaling may magbibigay ng testimonial, hindi dapat umasa ng kapalit din na testimonial sa’kin. TAMAD AKO. AT ISA PA KUNG HINDI TAYO CLOSE HUWAG KANG MAG EXPECT NA BIBIGYAN KITA NG TESTI. EH YUNG MGA KABARKADA KO NGA SINCE ELEMENTARY WALA PANG TESTI SA’KIN EH, IKAW PA KAYA?
    Sige isipin mo, hindi nga kita ganon kilala eh, anong sasabihin ko sa’yo? Di ba? Kamon. Iodized salt lang katapat nyan.
4. Huwag abusuhin ang isang feature ng system lalong lalo na kung hindi naman para sa ganong purpose ang isang feature. Maliwanag ba? Parang ikaw na mismo ang nagpapahiya sa sarili mo.

Salamat sa greeting. Hindi ko i a approve yung testi. I di delete ko.

Hindi ako killjoy. Hindi ako masungit. Hindi testimonial yon.

Magalit na kung magagalit, nag sabi lang ako ng totoo.

Temporary Insanity

Saturday, November 11th, 2006

Maaga akong gumising kahapon kasi magpapa flu vaccine kami sa office ng mommy. Protection yon laban sa sakit - Oo parang condom. wehehe. May kasabay pa kong dalawang batang magkapatid: babae at lalake. Nakaranas na kong ma injection-an sa pwet, sa braso tsaka sa may likod ng siko ( <– o sige nga anong tawag sa part na yon? alak alakan? ) Pero ang pinaka ayaw kong parte eh sa braso - panigurado kasing masakit. Paki alam ko kung matanda na ko ang sinasabi ko dito MASAKIT!

nurse: *kuha ng injection* *pitik pitik sa karayom*
ako: *naka ngiti pero natatakot ng konti*
mother goose: *tumabi kay koree* o maging model ka. nakatingin sa’yo yung mga bata. baka matakot sila. *kinausap ang mga bata* tignan nyo si ate koree o hindi sya natatakot

*tumingin ang 2 bata kay koree*

ako: *ngiti pa rin kita ang ngipin* Oo hindi talaga masakit to. *ngiti* *tingin sa karayom*

Pero sa isip ko, "Masakit to eh. Patay ako mamaya."

nurse: ayan. sige RELAX KA LANG. PAG SUMAKIT HAYAAN MO LANG WAG MONG TITIGASAN YUNG KAMAY MO.

WAT DA PAK! Masakit na nga hindi pa rin ako mag re react! HELLO?! *ECHO*

Sa puntong yon eh parang tumutugtog na yung bgmusic sa Jaws *je nen -stop- je nen -stop- jenenjenenjenenjenenjenenjenen*

nurse: *kurot sa braso ko*
ako: *napa lapit kay mother goose sa konting kaba* *tumatawa parang nawawala sa sarili*
carole: para kang sira! *natatawa*
nurse: *tusok ng karayom*
ako: *isip* ah hindi naman pala masakit
nurse: *pindot sa syringe*
ako: Masakit. *tumingin sa pwesto ng 2 bata kanina*

NAWALA. hehe natakot ata

mother goose: ayan. tinakot mo yung dalawang bata.
ako: hehe

MASAKIT!

Habang palabas kami ng clinic eh ako naman ang nanood sa 2 bata. Haha! Umiyak sila pareho! Umiyak sila! hahaha

One Fine Day

Saturday, November 11th, 2006

*bg music: queen - somebody to love me*

Oo na! Ninakaw ko ang title ng post ko sa isang pelikula. Ssshhh wag ka na lang maingay.

May narinig akong magandang kwento kahapon galing kay Carole…

Pwede na daw tayong mabuhay sa planetang Mars *haha!*

Seryoso…eto yung mga magagandang/nakakatawang dialogues namin (carole, mommy, k0n & ako) kahapon

carole: meron akong classmate ngayon pero dati nag titinda sya ng taho
ako: o tapos?
carole: tapos sa buong sem na yon mag titinda lang sya ng taho para makapag ipon tapos sa susunod na sem mag e enroll na naman sya *repeat until fade*
ako: ayos tindi ah
carole: pero ngayon, yung taho nya tinitinda na sa school canteen
ako: ah para tuloy tuloy na pag aaral nya

Anyway, kahit hindi ko kakilala yung classmate nya at yung taong naka isip na ibenta na lang yung taho sa school canteen eh gusto ko pa rin silang patayuan ng monumento. Muntik na kong mapa palakpak nung marinig ko yon.

-end-

Eto namang usapang to nangyari nung nag hihintay kami ng jeep ni Carole para makalabas sa Cubao highway. Katatapos lang kaming ihatid ni mother goose sa sakayan…

ako: *tingin kay mother goose habang naglalakad palayo*
carole: o ano bang sasakyan nating jeep? andami nang dumadaan
ako: eh wala eh. puno lahat. parahin mo yung susunod na dadaan. *sms sms sms*
ako: *tingin ulit kay mother goose, mas malayo na ang distansya*
ako: ang bilis naman maglakad ng mommy, ang layo na nya o. siguro tumatakbo to pag hindi tayo naka tingin *hehe*
carole: *natawa* gagu