angst driven
Monday, January 16th, 2006Dec 31, 2005, ilang oras bago mag bagong taon. Pauwi ako ng bahay, umabot ako sa "dreaded" intersection kung saan nagkalat ang mga paputok at ang mga nagpapa putok. Tila mga praning ang mga tao sa kalsada, kaliwa’t kanan ang pinanggagalingan ng ingay. Literal kapag sinabi kong wala akong madaanan. Hindi na pala ino-honor kapag may dadaang babae, ang tili at sigaw na galing sa mga dumadaan ang nagbibigay sa kanila ng saya. Mga hangal. Pero hindi yon ang punto ko. Ang punto ko ay eto:
HINDI AKO DAPAT UMASA SA ISANG TAO, NA MISMONG SARILI NIYA AY HINDI MATULUNGAN.
Fast forward sa ending - naka uwi ako ng bahay namin, pano? Salamat sa isang tambay na hindi ko naman kaano ano ang nang saway sa ilang kabataan na tumigil muna sa pagpapaputok.
Ayos lang. Isang beses lang naman ang dec 31 sa kalendaryo di ba? hehe
Kung ako ang nasa sitwasyon mo, mag iisip muna ako ng mabuti bago ako
mag salita. Naisip mo bang wala ka sa posisyon?
Hindi ako natakot sa banta o sindak na narinig ko. Ang pagkaka intindi ko don eh kakitiran ng isip at pagiging makasarili. Hindi ako natatakot sa’yo - NAKAKA AWA KA.
Pasensya na, nasa pc rental lang ako ngayon. Bawat segundo dito eh bayad, dapat kong sulitin.
Kung mahina ka, ang nakukuha mo lang naman sa ibang tao sa tuwing ginagamit mo yung pagiging mahina mo eh awa. Kung ganon anong pinagkaiba mo sa mga taong nakatira sa ilalim ng tulay?
Wala ka sa posisyon.